May 21, 2010
Part I: Bitaw
Hindi mo ba nakikita ang totoo?
Mahal kita pero bakit ginagago mo ako?
Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo na lang
Hindi kita pipiliting mahalin ako
kung hindi mo na nararamdaman
Masakit mang tanggapin eh kakayanin ko
Kung yan ba talaga ang gusto mo
Hiwalay na kung hiwalay, pagod na din ako
Ikaw na din ang nagsabing kalokohan lang ito
Ang simple lang ng problema pinapahirap mo pa
Mukhang yung utak mo ata napunta na sa iyong paa
Hindi ko pinangarap na magmukhang tanga
Kaya kung ayaw mo na sa akin eh dyan ka na
Posted by guiltypleasures on May 21, 2010 at 09:25 AM | Guilty?
